Pumunta sa nilalaman

DZRJ-TV

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
RJTV (DZRJ-DTV)
Makati City
Lungsod ng LisensiyaMakati City
Mga tsanelDihital: 29 (UHF) (ISDB-T test broadcast)
Birtuwal: 29.01 (LCN)
TatakRJTV
RJ DigiTV
Pagproprograma
KaakibatRJTV
Pagmamay-ari
May-ariRajah Broadcasting Network
Mga kapatid na estasyon
DZRJ-AM
DZRJ-FM
Kasaysayan
ItinatagMayo 1993; 33 taon ang nakalipas (1993-05)
Unang pag-ere
Mayo 1993 (1993-05) (analog)
3 Enero 2019; 7 taon na'ng nakalipas (2019-01-03) (digital)
Huling pag-ere
4 Hunyo 2018; 8 taon na'ng nakalipas (2018-06-04) (analog)
(Mga) dating numero ng tsanel
Analog:
29 (UHF 1993-2018)
Dating kaakibat
2nd Avenue (2008-2018)
Kahulugan ng call sign
DZ
Ramon
Jacinto
(owner and founder of RBN, also taken from sister AM and FM radio stations)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglilisensya
NTC
Lakas ng transmisor500 W TPO
(1 kW ERP)
Mga link
Websaytwww.RJplanet.com

Ang DZRJ-DTV (channel 29) ay isang estasyon ng telebisyon sa UHF, na pagmamay-ari at ginagamit ng Rajah Broadcasting Network, Inc. na kung saan ay pagmamay-ari din ni Ramon "RJ" Jacinto. Ang RJ DigiTV 29 ay pinapalabas sa lugar ng Kalakhang Maynila, at ito ay naka-base bilang ‘must carry basis’ sa lahat ng cable network. Ang studio nito ay matatagpuan sa Ventures I Bldg., Makati Ave. katabing Daang Hen. Luna, Lungsod ng Makati At ang transmisor nito ay matatagpuan sa Brgy. San Roque Purok 19, Daang San Lorenzo Ruiz, Lungsod ng Antipolo. Ang RJTV ay dating nag-eere 24 oras, ngunit nilimitahan ito mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi noong 22 Nobyembre 2012 dahil na din sa ipinalabas na kautusan mula sa NTC patungkol sa mga kanal na ginagamit ng ibang network.

Nag-umpisa ang test broadcast nito noong Abril 1993, at naging opsiyal ang telekast nito sa sumunod na buwan. Ang pormat ng kanal na ito noon ay halu-halong mga sesyon ng tugtugan, balitang lokal, usapan, at ang kauna-unahang Home TV shopping na programa.

Noong 1995, nagpalabas naman ito ng mga cartoon at animated na programa upang masubaybayan ng mga kabataan. Ngunit noong 1997, dahil na din sa mahigpit na kompetisyon laban sa Studio 23 at noo'y CTV-31 (na ngayo'y kilala bilang BEAM Channel 31 at isa din sa mga affiliator ng Solar Entertainment Corporation ngayon bilang Jack City), ang RJTV ay nag-focus na lang sa dati nitong mga programa.

Noong 1 Enero 2008, bilang tugon at resulta na din sa paggamit ng Solar Entertainment Corporation ng mga lokal/terestriyal na networks sa free TV, ang RJTV 29 ay nagsimulang ipalabas ang ilang programa ng 2nd Avenue, ngunit maaaring mabakante ang ilang programa nito para sa kanilang lokal na programa nila.

Nitong 9 Setyembre 2012, ang RJTV 29 ay pansamantalang nagsara sa ere kasabay din ng pagsara ng 3ABN/Hope Channel PHL 45. Napag-alaman na ang kanal na ito ay pansamantalang inaayos at ina-upgrade ang transmisor nito. Nagbalik din ito sa ere noong 21 Nobyembre 2012.

Nitong 2015, DZRJ-TV nagsimula sa ginamit ang Solar-owned transmitter tower matatagpuan malapit sa Nuestra Señora de la Paz Subdivision, Bo. Sta. Cruz, Antipolo City probinsya ng Rizal, pagbabahaging transmisyon na may Solar's subsidiary, Southern Broadcasting Network. Ito'y pakay ay sa magbigay na mas malinaw at mas mabuting signal reception at ay ginamit sa pagbobrodkast ng SBN at RJTV kapwa sa analog at digital.

Kasalukuyang Programa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Digital na Telebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Digital channels

[baguhin | baguhin ang wikitext]

UHF channel 29 (563.143 MHz)

Channel Video Aspect Short name Programming Note
29.01 480i 16:9 RJ DigiTV RJ DigiTV (Main DZRJ-TV programming) Test broadcast (2.5 kW)
29.02 Oras ng Himala Oras ng Himala Channel
29.03 DZRJ RadioVision DZRJ RadioVision
29.04 Rock of Manila TV Rock of Manila TV
29.05 TV Maria TV Maria

Coverage areas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Dating Programa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Himpilan ng RJTV

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Solar Entertainment