Pumunta sa nilalaman

Friedrich Paulus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Friedrich Paulus
Paulus in 1941
Pangalan nang isilangFriedrich Wilhelm Ernst Paulus
Kapanganakan23 Setyembre 1890(1890-09-23)
Breitenau (Guxhagen), Regierungsbezirk Cassel, Province of Hesse-Nassau, Kingdom of Prussia, German Empire
Kamatayan1 Pebrero 1957(1957-02-01) (66 taong gulang) 
Dresden, East Germany
KatapatanPadron:Country data Prussia
 German Empire
 Weimar Republic
 Nazi Germany
NKFD
 East Germany
BranchPadron:Country data Prussia
 Germany
Freikorps
 Germany
 Hukbo ng Nazi Germany
NKFD
 Hukbo ng East Germany
RanggoGeneralfeldmarschall
Hinawakang hanay6th Army
Labanan/digmaan
ParangalKnight's Cross of the Iron Cross with Oak Leaves
AsawaConstance Elena Rosetti-Solescu[1] (k. 1912–49)
Lagda

Si Friedrich Wilhelm Ernst Paulus (23 Setyembre 1890 – 1 Pebrero 1957) ay isang mariskal de kampo ng Alemanyang Nazi noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kilala siya higit sa lahat bilang kumander ng Ika-6 na Hukbong Aleman noong Labanan sa Stalingrad (Hulyo 1942 hanggang Pebrero 1943). Nagtapos ang labanan sa isang malaking sakuna para sa *Wehrmacht* nang palibutan ng mga puwersang Sobyet ang mga Aleman sa loob ng lungsod; humantong ito sa pagkamatay o pagkabihag ng karamihan sa mga tauhan ng Ika-6 na Hukbo—na binubuo ng 265,000 sundalo—pati na rin ng kanilang mga kaalyado sa Axis at mga kolaborator.

Lumaban si Paulus noong Unang Digmaang Pandaigdig at nakaranas ng aktuwal na pakikipaglaban sa Pransiya at sa rehiyon ng Balkaniko. Itinuring siyang isang opisyal na may malaking potensiyal; pagdating ng panahon ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay iniangat na bilang heneral mayor. Lumahok si Paulus sa mga pagsalakay sa Polonya at sa Mabababang Bansa (mga bansang tulad ng Olanda, Belhika, at Luxembourg), at pagkatapos nito ay itinalaga siyang *deputy chief* ng *General Staff* ng Hukbong Aleman. Sa katungkulang ito, tumulong si Paulus sa pagpaplano ng pagsalakay sa Unyong Sobyetiko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ Fraschka 2008, p. 8.