Pumunta sa nilalaman

The Godfather

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
The Godfather
"The Godfather" written on a black background in stylized white lettering, above it, a hand holds puppet strings.
Theatrical release poster
DirektorFrancis Ford Coppola
PrinodyusAlbert S. Ruddy
Iskrip
Ibinase saThe Godfather
ni Mario Puzo
Itinatampok sina
MusikaNino Rota
SinematograpiyaGordon Willis
In-edit ni
Produksiyon
TagapamahagiParamount Pictures
Inilabas noong
Haba
175 minutes[1]
BansaUnited States
WikaEnglish
Badyet$6–7 million[N 1]
Kita$250–291 million[N 2]

Ang The Godfather (lit. Ang Ninong) ay isang Amerikanong epikong pelikulang gangster noong 1972[2][3][4] sa direksyon ni Francis Ford Coppola, na siyang sumulat ng iskrip kasama si Mario Puzo batay sa pinakamabentang nobela ni Puzo noong 1969. Tampok sa pelikula ang mga artistang binubuo nina Marlon Brando, Al Pacino, James Caan, Richard Castellano, Robert Duvall, Sterling Hayden, John Marley, Richard Conte, at Diane Keaton. Ito ang unang yugto sa trilohiyang The Godfather, na nagsasalaysay sa pamilyang Corleone sa ilalim ng patriyarkang si Vito Corleone (Brando) at ang pagbabago ng kaniyang bunsong anak na si Michael Corleone (Pacino), mula sa isang nag-aatubiling tagalabas ng pamilya patungo sa isang walang awa na pinuno ng Mafia.

Nakuha ng Paramount Pictures ang mga karapatan sa nobela sa halagang $80,000, bago ito sumikat.[5][6] Nahirapan ang mga ehekutibo ng studio na makahanap ng direktor; tinanggihan ng mga unang kandidato ang posisyon bago pumirma si Coppola bilang direktor ng pelikula, ngunit sumunod ang hindi pagkakasundo sa pagpili ng ilang karakter, partikular na sina Vito (Marlon Brando) at Michael (Al Pacino). Ang paggawa ng pelikula ay pangunahing naganap sa mga lokasyon sa paligid ng New York City at Sicilia, at natapos ito nang mas maaga sa iskedyul. Ang musika ay pangunahing nilikha ni Nino Rota, na may karagdagang mga piyesa ni Carmine Coppola.

Ang The Godfather ay itinuturing na isa sa pinakadakila at pinaka-maimpluwensiyang pelikulang nagawa, pati na rin ang isang mahalagang bahagi ng genre ng gangster.[7] Ito ay napili para sa preserbasyon sa US National Film Registry ng Aklatan ng Kongreso noong 1990, at itinuring na "makabuluhan sa kultura, kasaysayan, o estetika" at niraranggo bilang pangalawang pinakadakilang pelikula sa sinehan ng Amerika (kasunod ng Citizen Kane) ng Suriang Pampelikula ng Amerika. Sinundan ito ng mga sumunod na pelikula na The Godfather Part II (1974) at The Godfather Part III (1990).

Noong kalagitnaan ng dekada 1940, si Michael Corleone ay isang beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang bunsong anak ni Don Vito Corleone. Si Vito ang pinuno ng pamilyang mafia ng Corleone at pinapatakbo ito kasama ang kanoyang panganay na anak na si Santino a.k.a. Sonny at ang ampon na si Tom Hagen, isang abogado na konsigliere ng pamilya. Sa kasal ng kaniyang kapatid na si Connie kay Carlo Rizzi, ipinakilala ni Michael ang kanyang pamilya sa kanyang kasintahang si Kay Adams. Ikinuwento ni Michael kay Kay ang tungkol sa kaniyang pamilya ngunit nilinaw niya na ayaw niyang makialam sa negosyo ng kaniyang pamilya.

Tinutupad ni Vito ang tradisyong Siciliano ng pagbibigay ng pabor sa araw ng kasal ng kanyang anak na babae sa sunod-sunod na umaasang mga bisita. Isa na rito ang kaniyang inaanak, mang-aawit at aktor na si Johnny Fontane, na hindi makakuha ng paparating na papel sa pelikula dahil may sama ng loob ang may-ari ng studio at producer na si Jack Woltz kay Fontane. Ipinadala ni Vito si Hagen sa Los Angeles upang hikayatin si Woltz na sumuko ngunit hindi nagpatinag si Woltz. Umalis si Hagen at kinabukasan, nagising si Woltz at natagpuan ang pugot na ulo ng kanyang pinahahalagahang $600,000 na kabayong pangkarera na si Khartoum sa kanyang kama kasama niya. Sumuko ang takot na takot na si Woltz at nakuha ni Fontane ang papel.

Impluwensiya sa kultura at pamana

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagama't maraming pelikula tungkol sa mga gangster ang nauna sa The Godfather, ibinaon ni Coppola ang kaniyang pelikula sa kulturang Italyanong imigrante, at ang kaniyang paglalarawan sa mga mandurumog bilang mga taong may malalim na sikolohikong lalim at kasalimuotan ay walang katulad.[8] Mas pinalawak pa ito ni Coppola sa pamamagitan ng The Godfather Part II, at ang tagumpay ng dalawang pelikulang iyon, sa kritikal, artistikong paraan, at pinansyal na aspeto, ay naging katalista sa paggawa ng maraming iba pang paglalarawan ng mga Italyano-Amerikano bilang mga mandurumog, kabilang ang mga pelikulang tulad ng Goodfellas ni Martin Scorsese at mga serye sa TV tulad ng The Sopranos ni David Chase. Isang komprehensibong pag-aaral ng kulturang Italyano-Amerikano sa pelikula mula 1914 hanggang 2014 ang isinagawa ng Sinupang Italikong ng America na nagpapakita ng impluwensiya ng The Godfather.[9][10]

  1. ↑ Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Budget); $2
  2. ↑ Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Gross); $2
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Page Padron:Sister project/styles.css has no content.

Padron:GodfatherPadron:Francis Ford CoppolaPadron:Mario Puzo

  1. ↑ "THE GODFATHER (18)". British Board of Film Classification. Inarkibo mula sa orihinal noong June 12, 2016. Nakuha noong March 26, 2022.
  2. ↑ "The Godfather | Plot, Cast, Oscars, & Facts | Britannica". www.britannica.com. Inarkibo mula sa orihinal noong December 31, 2021. Nakuha noong December 31, 2021.
  3. ↑ "The Godfather". AFI. American Film Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong July 17, 2014. Nakuha noong July 15, 2014.
  4. ↑ The Godfather (1972) - Francis Ford Coppola | Synopsis, Movie Info, Moods, Themes and Related. AllMovie. Nakuha noong 2025-06-10.
  5. ↑ Jones 2007, p. 10.
  6. ↑ Lebo 2005, p. 6.
  7. ↑ Gambino, Megan (January 31, 2012). "What is The Godfather Effect?". Smithsonian. Inarkibo mula sa orihinal noong September 10, 2018. Nakuha noong September 10, 2018.
  8. ↑ Sterritt., David (March 4, 2005). "An Offer Hollywood Can't Refuse". CBS News. Inarkibo mula sa orihinal noong December 20, 2007.
  9. ↑ "Film Study 2015". Italic Institute of America. Inarkibo mula sa orihinal noong April 26, 2016. Nakuha noong April 30, 2016.
  10. ↑ "Italic Institute of America: Film Study 2015 : A Century of Little Progress (1914–2014)" (PDF). Italic.org. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong February 16, 2022. Nakuha noong March 4, 2022.