Balsorano
Balsorano | ||
|---|---|---|
| Comune di Balsorano | ||
| ||
| Mga koordinado: 41°48′39″N 13°33′39″E / 41.81083°N 13.56083°E | ||
| Bansa | Italya | |
| Rehiyon | Abruzzo | |
| Lalawigan | L'Aquila (AQ) | |
| Mga frazione | Balsorano Vecchio, Case Marconi, Case Alfonsi, Collecastagno, Collepiano, Le Fosse, Pelagalli, Ridotti, Noce Grande, La Selva, Vigne Cerase | |
| Pamahalaan | ||
| • Mayor | Antonella Buffone | |
| Lawak | ||
| • Kabuuan | 58.85 km2 (22.72 milya kuwadrado) | |
| Taas | 340 m (1,120 tal) | |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
| • Kabuuan | 3,455 | |
| • Kapal | 59/km2 (150/milya kuwadrado) | |
| Tawag sa tagalugar | Balsoranesi | |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
| Kodigong Postal | 67052. | |
| Kodigo sa pagpihit | 0863 | |
| Santong Patron | San Jorge Martir | |
| Saint day | Abril 23 | |
| Websayt | Opisyal na website | |
Ang Balsorano (Marsicano: Balz'rana) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng L'Aquila, rehiyon ng Abruzzo, gitnang-timog Italya. Ang komuna, na matatagpuan sa Valle Roveto, timog ng Marsica, ay nagmamarka ng hangganang heograpiko sa pagitan ng mga rehiyon ng Abruzos at Lacio.
Ang komyun ay nahahati sa Balsorano Vecchio, na matatagpuan sa mga dalisdis sa mataas na altitud ng Monte Cornacchia (hanay ng bundok ng Monti Ernici na halos ganap na inabandona matapos ang lindol sa Avezzano noong 1915 at ang bagong sentrong urbano na itinayo sa ibaba ng lambak, ang Balsorano Nuovo. Ang teritoryo ng komyun ay tinatawid ng Liri, na may hangganan sa timog kasama ang Sora, sa hilaga kasama ang San Vincenzo Valle Roveto, at sa silangan kasama ang ilang bahagi ng Liwasang Pambansa ng Abruzos, Lacio, at Molise.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Balsorano ay unang nabanggit noong ika-10 siglo. Noong Gitnang Kapanahunan at modernong panahon, ito ay hawak ng pamilyang baronyal ng Piccolomini.
Mga pangunahing tanawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kastilyo ng Piccolomini: Ang kastilyo ay itinayo ni Antonio Piccolomini, pamangkin ni Papa Pio II, noong 1460.
Ngayon, isa na itong otel at ginamit na bilang lokasyon para sa ilang pelikulang Italyano.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ Abruzzo, Molise. Touring Club Italiano. 1979. p. 229. ISBN 88-365-0017-X.
