Pumunta sa nilalaman

Cansano

Cansano
Comune di Cansano
Eskudo de armas ng Cansano
Eskudo de armas
Lokasyon ng Cansano
Map
Cansano is located in Italy
Cansano
Cansano
Lokasyon ng Cansano sa Italya
Cansano is located in Abruzzo
Cansano
Cansano
Cansano (Abruzzo)
Mga koordinado: 42°0′19″N 14°0′46″E / 42.00528°N 14.01278°E / 42.00528; 14.01278
BansaItalya
RehiyonAbruzzo
LalawiganL'Aquila (AQ)
Pamahalaan
 • MayorMario Ciampaglione
Lawak
 • Kabuuan37.7 km2 (14.6 milya kuwadrado)
Taas
835 m (2,740 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan244
 • Kapal6.5/km2 (17/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarCansanesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
67030
Kodigo sa pagpihit0864
Santong PatronJuan Bautista
Saint dayHunyo 24

Ang Cansano (binibigkas [kanˈsaːno]; Ang Canẓánə sa Abruzzese Napolitano[3]) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng L'Aquila, rehiyon ng Abruzos, gitnang Italya. Ito ay bahagi ng Maiella National Park.[4] Kilala ang Cansano sa arkeolohikong pagkakatuklas sa bayang Italiko at Romanong bayan ng Ocriticum, na naging isang liwasang arkeolohiko.[5]

Heograpiya at klima

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang kanayunan na nakapalibot sa Cansano

Ang Cansano ay matatagpuan 9 km (5.6 mi) mula sa Sulmona, sa isang burol malapit sa Valle Peligna, sa 835 m (2,740 tal) m sa ibabaw ng antas ng dagat.[6] Ang pinakamababang altitud ng munisipalidad ng Cansano ay 599 m (1,965 tal), habang ang pinakamataas ay 1,792 m (5,879 tal).[7] Ang lawak ng teritoryo ng munisipyo ay 37.70 km2 (14.56 mi kuw).[7]

Ang bayan ay bahagi ng halos buo at natural na tanawin. Bahagi ng Liwasang Pambansa ng Maiella ang bahagi ng bayan, at sa partikular, ang kakahuyan ng Sant'Antonio at ang daanan ng San Leonardo. Mas mainam din ang lokasyon para sa paglalakbay sa mga pinakaaktibong sentro ng turista sa lugar; ang Campo di Giove, Pacentro, Pescocostanzo, at Sulmona.

Ang bayan ay may klimang mabundok,[6] na may mainit at tuyong tag-araw at malamig at maulang taglamig. Gayumpaman, sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng mga pagkakaiba-iba sa klima, na ngayon ay bahagyang mas mahalumigmig sa tag-araw at hindi gaanong maniyebe sa taglamig.

Piazza XX Settembre sa Cansano

Itinayo bilang isang peyudo at toreng bantay noong unang bahagi ng Gitnang Kapanahunan,[8] ito ay lumaganap pangunahin sa pagitan ng ika-19 at ika-20 siglo, kasunod ng lindol sa Abruzos noong 1706. Noong 1904, naging independiyenteng munisipalidad ang Casano.[9] Mula 1807 hanggang 1811, ang Cansano ay isang frazione ng Introdacqua, pagkatapos mula sa taong iyon hanggang 1829 ito ay isang frazione ng Pacentro.[10] Nakamit nito ang awtonomiya ng munisipyo hanggang 1846, nang muling pinagsama-sama ito sa Pacentro hanggang 1855.[10] Ang Cansano ay naging frazione ng Campo di Giove mula 1855 hanggang 1904, nang tuluyan nitong mabawi ang awtonomiya ng munisipyo.[10]

Makasaysayang populasyon
TaonPop.±%
18611,233—    
18711,310+6.2%
18811,335+1.9%
19011,438+7.7%
19111,834+27.5%
19211,770−3.5%
19311,753−1.0%
19361,658−5.4%
TaonPop.±%
19511,556−6.2%
1961851−45.3%
1971545−36.0%
1981430−21.1%
1991357−17.0%
2001270−24.4%
2011282+4.4%
2021205−27.3%
Istat historical data 1861–2011[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. ↑ Ernesto Giammarco (1990). Dizionario abruzzese e molisano (sa wikang Italyano). Bol. 6. Edizioni dell'Ateneo. p. 66.Padron:No ISBN
  4. ↑ "Cansano".
  5. ↑ "Parco archeologico "Ocriticum"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-02-09. Nakuha noong 2023-02-26.
  6. 1 2 "Comune di Cansano" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 26 February 2023.
  7. 1 2 "Comune di Cansano" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 26 February 2023.
  8. ↑ "Cansano" (sa wikang Italyano). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 March 2023. Nakuha noong 26 February 2023.
  9. ↑ "Storia di Cansano".
  10. 1 2 3 "Geo-storia amministrativa d'Abruzzo: provincia di Abruzzo Ulteriore II o dell'Aquila". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-10-23. Nakuha noong 2023-02-26.
  11. ↑ "Statistiche I.Stat". ISTAT. Nakuha noong 28 December 2012.
[baguhin | baguhin ang wikitext]